CENTRAL MINDANAO – “Ligtas at walang naitalang African swine fever (ASF) sa probinsya ng Cotabato.”
Ito ang kinumpirma ni Cotabato acting Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza kasabay ng ginanap na free declaration ng African swine fever sa Agricenter Covered Court sa Brgy Amas, Kidapawan City.
Dumalo ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI-12) Food and Drug Administration (FDA-12) Office of Provincial Agriculturist (OPAG-Cotabato) at mga lokal opisyal ng lalawigan.
Ayon sa DTI Cotabato na ligtas kainin ang karneng baboy at walang naitalang kaso ng ASF sa probinsya.
Pinalakas rin ang pagsubaybay (monitoring) sa ASF sa North Cotabato alinsunod sa quarantine ordinance ng probinsya.
Sa datus ng OPAG 95% ang karneng baboy galing sa backyard hog raiser sa probinsya ng Cotabato at 5% lamang ang commercial.
Para patunayan na ligtas ang karneng baboy sa probinsya laban sa ASF ay nagkaroon ng lechonan sa kapitolyo na pinangunahan ni Gov Mendoza kasabay ng Animal Dispersal Program.
Unang tumikim sa lechon baboy si Gov Lala at sinundan ng lahat ng mga dumalo sa free declaration ng Alfrican swine fever, patunay daw na ligtas at masarap ang karneng baboy sa probinsya.