CENTRAL MINDANAO-Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato tumanggap ng Gawad KALASAG Seal sa katatapos lamang na 22nd Gawad KALASAG (Kalamidad at Sakuna Labanan, Sariling Galing ang Kaligtasan) Seal for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance awarding ceremony sa Metro Manila sa pangunguna ng Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ng Office of Civil Defense (OCD).
Ang nasabing parangal ay tinanggap ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) for Operation and Warning Chief, Engr. Arnulfo Villaruz bilang kinatawan ni Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Chairperson at Governor Emmylou “Lala” J. Talino-Mendoza, MNSA mula kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur C. Abalos Jr., kasama sina Civil Defense Deputy for Administration, Assistant Secretary Hernando M. Caraig Jr, Civil Defense Administrator & NDRRMC Executive Director Under Secretary Raymundo B. Ferrer, Officer-in-Charge Department of National Defense, Senior Undersecretary Jose C. Faustino Jr. at Office of Civil Defense 12 Regional Director at RDRRMC 12 Chairperson Raylindo Aninon.
Ang Gawad KALASAG ay isang pagkilala sa mga LGUs at mga ahensya na mahusay na nagpapatupad ng ibat ibang programa hinggil sa risk reduction management, climate change adaptation, at humanitarian assistance para protektahan ang high risk na mga komunidad sa lubhang panganib o peligro.
Bago paman ang nasabing parangal ay una ng inanunsiyo noong nakaraang buwan ng NDRRMC sa pamamagitan ng National Gawad Committee ang mga kabilang sa pararangalan ng Gawad KALASAG Seal for Excellence in DRRM at Humanitarian Assistance for the Local DRRM Councils and Offices category.
Sa taong 2022, mayroong 135 na awardees cited as “Beyond Compliant”, kabilang ang probinsya ng Cotabato at bayan ng Arakan para sa provincial at cities/municipalities na kategorya. 436 naman ang pinarangalan bilang Fully Compliant Local Government Units, kabilang ang isang syudad at siyam na bayan sa lalawigan ng Cotabato. Ito ay kinabibilangan ng: City of Kidapawan, Alamada, Aleosan, Carmen, Libungan, Magpet, Matalam, Pigcawayan, Midsayap at Tulunan.
Ang mga awards ng nabanggit na mga local government units ay iginawad noong Dec. 2, 2022 sa Green Leaf Hotel, General Santos City. Ang Gawad Kalasag Seal ng probinsiya ay tinangggap nina 2nd District BM Ryl John C. Caoagdan at Acting PDRRMO Mercedita C. Foronda bilang mga kinatawan ni Governor Mendoza.
Ayon kay Engr. Arnulfo Villaruz ang mga LGUs na kinilala at tumanggap ng parangal ay sumailalim ng masusing assessment process para sa seal, kung saan ang pamahalaang local na mayroong 2.5 to 3.0 na rating batay na rin sa mandatory assessment na isinagawa bago ang parangal.