Mahigit isang linggo mula nang maranasan ang malawakang pagbaha, isinailalim na rin State of Calamity ang probinsya ng La Union dahil sa matinding pinsala na inabot nito.
Batay sa record ng probinsya, apektado ng malawakang pagbaha ang kabuuang 26,615 pamilya sa buong lalawigan. Binubuo ito ng 83,242 na indibidwal.
Nasawi rin ang tatlong katao sa kasagsagan ng pagbaha habang dalawang iba pa ang kasalukuyang hinahanap.
Sa kasalukuyan, umabot na sa P87.5 million ang halaga ng pinsalang natukoy sa sector sektor ng pagsasaka, P17 million sa imprastraktura, habang halos dalawang million naman sa turismo.
Ang naturang halaga ay maaaring magkaroon pa ng pagbabago habang nagpapatuloy ang assessment at validation.
Sa pamamagitan ng pagsasailalim sa SOC sa naturang probinsya, magagamit na nito ang mga calamity fund na inaasahang magpapabilis sa emergency response at rehabilitation sa buong probinsya.
Agad namang ipapataw ang price freeze sa mga pangunahing produkto.