-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Ipinahayag ng Philippine Army na posible ng maideklara bilang insurgency free ang buong probinsya ng Leyte.

Ayon kay Brigadier Gen. Lope Dagoy, brigade commander ng 802nd Brigade na nakabase sa Ormoc City, pito nalang ang bilang ng armadong NPA ang kanilang namomonitor sa mga nagdaang mga buwan.

Bukod pa dito ay dumami rin daw ang bilang ng mga rebelde na nagbalik loob na sa pamahalaan at isa na rito ang boluntaryong pagsurender ng isang lider ng NPA noong nakaraang araw.

Humina din ang pwersa ng NPA sa Leyte dahil na rin sa pagsuko ng lider nila na si Rolando Tarong noong nakaraang Marso at sinundan naman ito ng pagsurender ng aabot sa 1,200 na NPA supporters pagdating ng Abril.

Positibo naman si Dagoy na bago matapos ang Enero 2020 ay maidedeklara nang insurgency free ang buong probinsya.

Maalala na tuloy tuloy ang ginagawang kampanya ng gobyerno kontra sa mga rebelde sa pamamagitan ng implementasyon ng EO 70 para tuluyang makamit ang kapayapaan sa buong bansa.