-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Kinumpirma ng Integrated Provincial Health Office o IPHO-Maguindanao na nakapasok na sa lalawigan ang Omicron Variant ng COVID-19.
Sinabi ni IPHO-Maguindanao Chief Dr. Elizabeth Samama, dalawang kaso ng nasabing variant ang naitala sa lalawigan pero ang mga ito ay nakarecover na.
Ito ay mula sa mga bayan ng Pagagawan at Shariff Aguak.
Aniya, kapwa Overseas Filipino Workers o OFW ang mga pasyente na dumating sa bansa nitong nakalipas na taon.
Sa buong BARMM, ayon kay Ministry of Health o MOH Minister Dr. Bashary Latiph, mayroon nang 7 kaso ng Omicron Variant na naitala sa rehiyon.
Maliban sa dalawang kaso sa Maguindanao, mayroon ding tig-dalawa mula sa Marawi City at Basilan at 1 sa Lanao del Sur.