Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang nangyaring magnitude 4.3 na lindol sa probinsya ng Masbate.
Sa datos ng ahensya , ito ay isang Tectonic Earthquake at nangyari bandang alas 12: 03 kaninang madaling araw.
Naitala ang epicenter ng naturang pagyanig ng lupa 8 kilometers ang layo mula sa timog-silangan ng Pio V. Corpus, Masbate.
Ito ay may lalim naman na 7 kilometers.
Ang Instrumental Intensities ay naitala naman sa mga sumusunod na lugar kabilang na ang Kawayan, Biliran na nakaranas ng Intensity II at Maripipi, Biliran; Calubian, Leyte na nakaranas naman ng Intensity I.
Paliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, posibleng hindi na magkakaroon pa ng aftershocks.
Wala rin umano itong maidudulot na pinsala sa nabanggit na mga lugar.