Inirekomenda ni dating Senate President Franklin Drilon sa mga mambabatas na liwanagin kung sino ang kasama sa probisyon ng anti-political dynasty sakali man na maisulong ang pag-amyenda ng Saligang Batas sa 2024.
Ayon sa Senador na matagal ng nananawagan para sa reporma para sa pagsugpo ng oligarkiya sa bansa, ang mamamayang Pilipino ang siyang humihiling na liwanagin ang anti-dynasty provision.
Paliwanag pa ng dating Senate Pres. na sa kasalukuyan walang umiiral na batas para magpatupad ng mga hakbang para pigilin ang political dynasties sa bansa dahilan kayat ipinanukala ng dating Senador ang pag-define sa probisyon sa anti-political dynasty sa PH constitution.
Una ng kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez nitong Martes na nagpasa ang Kongreso ng 2 resolution na parehong nananawagan para sa constitutional convention bilang paraan ng pag-amyenda sa saligang batas.
Kung saan ayon sa House Speaker kanilang tututukan ang pag-amyenda sa restrictive economic provisions sa 1987 Constitution sakali mang muling i-revisit ang usapin sa cha-cha sa susunod na taon.