-- Advertisements --

ILOILO CITY – Ipapatawag ng Sangguniang Panlalawigan sa Iloilo ang Department of Education, Department of Health, at Department of Information and Communications Technology upang mapag-usapan at masolusyunan ang problema ng mga mag-aaral at guro sa blended learning.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ex-Officio Board Member Ramon Sullano, Interim President ng Philippine Councilors League sa Iloilo, sinabi nito na kabilang sa mga nangungunang problema ngayong blended learning ay ang mahing internet connection.

Maliban dito, nararapat rin anya na mapag-aralan ng mabuti kung paano masosolusyunan ang mental stress na nararanasan ng mga mag-aaral.

Napag-alaman na umaabot na sa 72 ang naitalang sucide cases sa Iloilo ngayong taon kung saan karamihan sa mga ito ay namomoblema sa online classes.