-- Advertisements --
Nananatili ang problema sa industriya ng asukal at kailangang ayusin.
Ito sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos nang pangunahan nito ang pamamahagi ng government assistance sa Talisay City, Negros Occidental.
Ayon sa chief executive, may dapat pang asikasuhing problema sa sugar industry na aniyay lubhang napabayaan sa mga nakaraang taon.
Gayunman, positibo ang Pangulo na maibabalik din ang dating kalagayan ng sugar industry kahit paunti-unti.
Dagdag ni Pangulong Marcos na patuloy nilang tinitiyak na sapat ang natatanggap na pagkain ng taong bayan hindi lamang asukal kundi pati na lahat ng produktong pang- agrikultura sa gitna na rin ng target nitong mapatatag ang food supply sa mamamayan.