-- Advertisements --

Tiwala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na tuluyan ng mawawala ang problema ng bansa sa Philippine offshore gaming operators (Pogo) sa katapusan ng taon.

Sinabi ni PAOCC chief Gilbert Cruz, na dahil sa tuloy-tuloy ang kanilang pagsawata sa mga iligal POGO hubs sa bansa.

Sa pagsisimula pa lamang ng taon ay mayroon ng tatlong pangunahing scam hubs ang kanilang napahinto na nagresulta sa pagkakaaresto ng 559 na mga dayuhan.

Magkakasunod na rin ang kanilang ginawang pagligtas sa mga dayuhan na biktima ng kidnapping na ang mga suspek ay kapwa rin nilang mga dayuhan.

Aminado din si Cruz na ang mga iligal na nag-ooperate na mga POGO ay yung nakatago sa mga liblib at residential area.