-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naayos na ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army sa pamumuno ni Major General Cirilito Sobejana ang matagal ng problema ng mga miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa Central Mindanao hinggil sa pagka-antala ng kanilang sahod o honorarium.

Ito ang kinumperma ni 38th Infantry Battalion Phil Army Commanding Officer at Special CAFGU Active Auxiliary o SCAA Chief Col. Markton Abo.

Mula ng pamunuan ni Abo ang SCAA ay inayos niya na ang lahat ng problema ng mga Para-Military Troopers kabilang na ang sahod ng mga ito.

Nilinaw rin ni Abo na maliban sa takdang oras na pagtanggap ng kani-kanilang allowances, may binibigay ring tulong ang kanyang tanggapan sa mga magkakasakit o namamatay.

Mahalagang matutukan ang lahat ng mga pangangailangan ng mga myembro ng Cafgu dahil malaking tulong ang mga ito sa paglaban sa mga rebelde at mga terorista,kagaya ng BIFF at NPA.

Sa ngayon ay nagpapagaling pa sa Camp Siongco Hospital ang mga myembro ng Cafgu na sina Michael Eenito, Renillo Pradas at Claredet Pradas matapos silang masugatan sa nangyaring engkwentro sa laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Ampatuan, Maguindanao.

Ang mga sugatan ay tinutulungan ng 6th ID at pati pamilya nila ay tumanggap ng ayuda.