-- Advertisements --
Nangangamba si Sen. Panfilo Lacson na lumubha pa ang problema sa basura at droga, habang abala ang gobyerno sa pagresolba sa epekto nito sa ating bansa.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte pa kasi ang kinailangang magsalita para masolusyunan ang naipadalang basura ng Canada at iba pang malalaking bansa.
Habang ang mga droga ay inaabangan ng mga pulis at PDEA ang drug pushers at users para lamang masakote ang mga ito.
Pero ang mga hakbang na ito ay hindi na sana kailangan kung sa Bureau of Customs (BoC) pa lang ay nahaharang na ang mga iyon.
Sa sariling impormasyong nakalap ng senador, mas abala ang ilang BoC officials sa pagtanggap ng “tara” kaysa magpataas ng koleksyon sa tax at duties.