-- Advertisements --

Kaagad na tinugunan ng Department of Information and Communications Technology- Region 5 ang problema sa linya ng Telco sa lalawigan ng Catanduanes.

Maaalalang hinagupit ng Super Typhoon Pepito kamakailan ang lalawigan na naging sanhi ng pagkasira ng mga pangunahing linya ng Telco sa lalawigan.

Ito ay bilang pagtalima na rin ng DICT sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibalik ang normal na operasyon ng mga telecommunication lines sa probinsya.

Aabot kasi sa sampung bayan sa lalawigan ang nakakaranas ng mahinang signal dahil sa pagtama ni Pepito.

Sa inisyal na assesment ng Catanduanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office , ang bayan lamang ng Virac ang may maayos na linya ng komunikasyon sa buong lalawigan.

Sa isang pahayag sinabi ni DICT Bicol Regional Director Rachel Ann Grabador na nakakalat na ngayon ang kanilang mga Government Emergency Communication System – Mobile Operations Vehicle for Emergency.