Nasa final stage na ng pagreresolba ang Department of Migrant Workers kaugnay ng isyu sa unpaid claims ng halos 10,000 na Overseas Filipino Workers sa Saudi Arabia noong 2015 at 2016
Buo ang tiwala ni Department of Migrant Workers Secretary Susan Oplen na sa lalong madaling panahon ay maibibigay na sa mga Overseas Filipino Workers itong unpaid claims.
Sa ngayon raw ay malinaw na mayroong silang magandang ugnayan sa kausap nila pagdating sa isyung ito, at malinaw rin daw ang expectation ng parehong panig.
Binigyang diin naman ni Secretary Ople na mayroong significant process na itong pagkuha ng unpaid claims.
Bagamat wala pang eksaktong araw kung kailan ang distribution nito ay tiniyak ni Secretary Ople na ito ay matatanggap ng mga Overseas Filipino Workers ngayong taon.
Sa ngayon ay nagbigay ang ahensya ng email address kung saan isesend ng mga claimants an kanilang impormasyon dahil nagbigay na umano ng listahan ang ahensya sa Saudi Arabia.
Kapag na send na umano ang mga kinakailangang detalye ay maghihintay nalang ng kaonting panahon para sa pagproseso nito.
Kapag ma aprubahan na raw ng Saudi Arabia Ministry of Human Resources and Development ang listahan, ang sunod na proseso na ay ang pagbabayad.
Kung matatandaan, walong taon na ang nakalipas at ngayon pa lamang makukuha ng mga Overseas Filipino Workers itong unpaid claims.