CAUAYAN CITY – Problema sa wastong pamamalakad sa pinansyal ng Pamahalaan ang nakikitang dahilan ng IBON foundation sa patuloy na paglobo ng utang ng Bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IBON Foundation Executive Director Sonny Africa, sinabi niya na masyadong kapos ang kinikita ng pamahalaan para sa mga pangangailangan kaya nauuwi sa pag-utang sa ibang bansa.
Hindi na rin umano nakakagulat ang naitalang 14.1 trillion pesos na utang panlabas ng Pilipinas
Aniya bagamat walang masama sa pag-utang ngunit kailangang magkaroon ng pagbabago kung paano kumikita ang bansa upang hindi ipasalo sa mga ordinaryong mamamayan ang pagbabayad ng utang ng bansa sa pamamagitan ng pagdagdag ng buwis.
Batay sa kanilang monitoring na sa unanmg taon ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinasnd Marcos Jr. Lumaki ng mahigit 1.3 trillion ang utang ng Pilipinas na pinakamalaki sa mga nagdaang administrasyon.
Para sa IBON Foundation ang pinaka mabisang solusyon para mabawasan ang utang ng pilipinas at upang hindi saluhin ng ordinaryong mga Pilipino ang pagbabayad nito sa pamamagitan ng buwis ay patawan ng mas malaking buwis ang mga mayayaman o mga bilyonaryong negosyante ng Bansa.