LEGAZPI CITY – Inaasahan na ang pagdalo ng maraming mga Pilipino sa isasagawang pagharap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga OFW sa Phnom Pehn, Cambodia sa araw ng Linggo, Nobyembre 13.
Iniulat sa Bombo Radyo Legazpi ni Melanie Lacwayan, ngayon pa lang ay marami na ang mga Pilipino ang excited ng personal na makita at makausap ang pangulo upang maipaabot ang kanilang mga hinaing.
Kabilang sa idudulog ng mga OFW ay ang matagal na ring problema sa pagkuha ng mga employer sa kanilang work permit at ang mababang sahod.
Panawagan din umano ng mga Pilipino na mas mapalakas pa ang suporta ng embahada ng bansa sa mga kababayang nagtatrabaho sa Cambodia.
Nabatid na isasagawa ang aktibidad sa isang hotel kung saan mahigpit ang ipatutupad na seguridad at cellphone lamang ang papayagang maipasok sa venue.