-- Advertisements --
May nakaambang pagtaas sa presyo ng mga processed meat sa sa mga susunod na linggo.
Ayon sa Philippine Association of Meat Processors Inc. na ito ang dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang pagtaas ng presyo ng mechanically deboned meat (MDM) dahil sa kakulangan ng suplay nito.
Ang MDM ay siyang pangunahing sangkap sa maraming processed meat.
Mas mababa kasi ang suplay ng MDM sa nakalipas na limang buwan kumpara noong nakaraang taon.
Kasabay din nito ay nag-anunsiyo ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na magkakaroon ng hanggang P50 na dagdag presyo sa bawat kilo ng baboy at P30 sa manok dahil sa pagtaas ng presyo ng mga production cost gaya ng soya, krudo at mais.