-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Mayroon ng mga provincial government ang naghayag kung ilang bakuna ang bibilhin para sa mga nasasakupan.

Ito ang kinumpirma ni League of Provinces of the Philippines (LPP) President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco.

Sa panayam ng Bombo Radyo, nakikipag-usap na aniya ang mga ito sa suppliers habang pinag-aaraan pa ng mga abogado ang mga dokumento at deal na posibleng pasukin.

Kung tutuusin, suplay na lang aniya ang hinihintay ng organisasyon.

Sa kabila nito, aminado ang gobernador na matatagalan pa ang pagdating ng naturang mga bakuna.

Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal na higpitan pa ang pagpapatupad ng minimum health protocols.