-- Advertisements --
IMG 20230202 075102

Pinaghahandaan na ng Metropolitan Manila Development Authority at ng Metro Manila Council ang mga equipment na gagamitin para sa bagong single ticketing system sa Metro Manila.

Kinumpirma naman ni Metro Manila Development Authority Chairman Romando Artes na ang kanilang ahensya ang sasagot sa mga gastosin para sa kagamitan ng bagong sistema.

Habang umano nag aamyenda ang City Council sa kani-kanilang ordinansa na may kaugnayan sa trapiko, ang ibang hakbang ay sisimulan na tulad ng procurement ng ilang equipment.

Una na rito, matatandaan na inaprubahan na ng Metro Manila Council ang traffic code na gagamitin sa single ticketing system sa National Capital Region, ito ay sisimulang ipatutupad sa darating na Abril.

Layunin ng ipatutupad na single ticketing system na magkakaroon ng iisang polisiya para sa mga traffic violations at penalty system sa nasabing rehiyon.