image 149

Inaasahang bahagyang bababa ang produksyon ng palay sa buong bansa mula sa buwan ng Abril hanggang Hunyo, 2023.

Inaasahan kasing aabot lamang sa 4.27million metriko tonelada ang ani sa nasabing period, na mas mababa kumpara sa 4.28million metriko tonelada.

Ang nasabing projection ay batay na rin sa kasalukuyang hawak na datus ng bansa kung saan as of June 1, 2023, umabot lamang sa 840,510 hectares ng palayan ang naaani.

Katumbas ito ng 87.4% ng kabuuang 961,140 hectares ng palayan sa buong bansa.

Ang kabuuang ani, mula sa nasabing land area, ay umaabot naman sa 3.76 metriko tonelada ng palay.

Sa nalalabing 120,630 hectares ng palayan na hindi pa naani sa nabanggit na panahon, 96.9% dito ay nasa maturing stage na.

3.1% naman dito ay nasa reproductive stage.