Sinabi ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia na nakatakdang pumunta sa kanilang tanggapan ang production team ng isang teleserye para magkaroon ng dayalogo na may kaugnayan sa maling impormasyon na na-ere nila sa kanilang programa noong nakaraang linggo.
Ang naturang teleserye ay nakapaglabas ng maling impormasyon. Sa isang scene ng teleserye, sinabi ng artista na mayroong premature campaigning na nagaganap.
Ngunit, sa kasalukuyang batas ng komisyon, hindi ipinagbabawal ang premature campaigning.
Ayon kay Garcia, naiintindihan niya na ito ay fictional lamang bilang isang teleserye ngunit kung may kasama ng batas, binigyang-diin niya na marapat lamang na tamang impormasyon ang ipinapakita lalo na’t marami ang nakakapanood nito.