Iniulat ng Philippine Statistics Authority na bahagyang tumaas ang Production value sa sektor ng agrikultura ng bansa sa huling kwarter ng taong 2023.
Batay sa ulat ng ahensya, lumago sa 0.7% ang production output sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas.
Ito ay katumbas ng pangkalahatang agri production output na P493.72 billion.
Mas mataas naman ito kung ikukumpara sa P490.06 billion output sa sektor sa kaparehong panahon noong 2022.
Sinasabing kabilang sa nakapag ambag dito ay ang pagtaas ng halaga ng mga pananim, livestock at poultry production.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority , pinakamataas ang poultry production na sumampa sa 7.8% o katumbas ng P67.65 billion.
Sinundan ito ng livestock production na mayroon ding annual growth na 2.7% at nakaambag ng P72.10 billion sa kabuuang agri value.
Habang pinakamataas ang naging ambag rito ng hog production value na may naitalang increment na 3.7%
Samantala, aabot naman sa P290 billion ang halaga ng crop production kung saan nasa 0.2% ang ambag na pagtaas sa palay habang bumaba naman sa 1.8% ang halaga ng produksyon ng mais.