Posible umano na makumpleto na ang produksiyon at pamamahagi ng national Identification cards (IDs) sa 2024.

image 17

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Deputy National Statistician Fred Sollesta na nakikipag-ugnayan na ang PSA sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang makahanap ng paraan upang mapabilis ang pagimprinta ng national IDs.

Sa ngayon, ayon sa PSA official, mula sa 79 million nakapagparehistro na para sa national ID nasa 37.8 million na ang naimprintang physical card sa BSP kayat mayroon pang 20 hanggang 21 million na kailangang maimprinta.

Sa datos ng PSA nitong nakalipas na buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon, nasa kabuuang 65,050,382 million Philippine identification System (PhilIDs) at ePhilIDs ang naimprinta na.

Sa naturang bilang, nasa 31,204, 200 na ang naipadala noong Mayo 19 habang nasa 33,846,182 ePhilIDs ang naisyu na noong Mayo 20