Ramdam na ng ilang sugar-producing areas sa bansa ang epekto ng El Niño phenomenon kung saan bumaba ang produksiyon ng asukal.
Kabilang dito ang taniman ng tubo sa Kabankalan city sa Negros Occidental at Batangas ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).
Mula sa target na 1.850 metric tons ng sugar na na-produce, lumalabas sa preliminary na pagtaya na ang produksiyon ng asukal ay nasa 1.750 million metric tons, bumaba ito ng mahigit 100,000 MT.
Ayon kay SRA Administrator Pablo Luis Azcona, minsan bumababa ng 20% hanggang 30% ang napo-produce na asukal na may kinalaman sa lagay ng panahon.
Sa kabila ng pagbaba ng produksiyon ng asukal, ayon sa SRA hidni kailangang mangamba ng mga konsyumer at mga negosyo dahil mayroon aniyang sapat na buffer stock ng asukal na nasa 200,000 metric tons.