-- Advertisements --
image 320

Inaasahang bababa ang produksiyon ng asukal para sa crop year 2023-2024 ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sa inilabas na Sugar Order No. 1 Series of 2023-2024 ng SRA board, ang kabuuang raw sugar production ng bansa para sa nasabing crop year mula Setyembre 1, 2023 hanggang Agosto 31, 2024 ay tinatayang nasa 1.85 million MT na may tinatayang pagbaba sa production ng 10% hanggang 15% depende kung gaano kalala ang epekto ng nakaambang El Nino phenomenon.

Ang kabuuang pagbaba naman para sa domestic raw sugar para sa naturang crop year ay tinatayang nasa 2.20 million MT .
Nakasaad din sa naturang kautusan na ang 100% ng inaasahang 1.85 million MT ay ilalaan bilang B o Domestic Market sugar.

Maaari pa namang mabago ng SRA ang porsyento ng alokasyon o distribusyon sa ibang klase ng asukal.