Inihayag ng isang opisyal mula sa Department of Agriculture (DA) na maaapektuhan ang produksiyon ng bigas sa bansa.
Ito ay kasabay ng pagutyot ng ilang mga sakahan bago pa man ang inaasahang drought o tagtuyot sa second half ngayong taon.
Paliwanag pa ni Agriculture Assistant Secretary and deputy spokesman Rex Estoperez na ang imbentaryo ng bigas ay mauubos kapag ang mga magsasaka ng bigas lalo na ang mga lugar na umaasa sa ulan ay hindi makakapagtanim dahil sa El Nino.
Ibinabala pa ng opisyal na tataas ang retail price ng bigas sa gitna ng mataas na farm gate prices at upward trend sa imported na bigas.
Kayat inirekomenda ng DA official na mag-shift na lamang ang mga magsasaka ng palay sa mas resilient na mga pananim sa oras tumama na ang tagtuyot sa bansa.
Kaugnay pa nito, inatasan na rin ng DA ang mga regional office na bisithin ang mga lugar na vulnerable sa tagtuyot at gumawa ng mga rekomendasyon para suportahan ang mga magsasaka.
Saad pa ng opisyal na ang ilan sa mga ginagawa ng gobyerno para mapataas ang buffer stock ay maaapektuhan ng arawang pagkonsumo ng bigas sa bansa.