-- Advertisements --
image 432

Tinatayang bababa ang produksiyon ng bigas sa ikatlong kwarter ng 2023 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Base sa latest report ng ahensiya, ang produksiyon ng palay ay tinatayang nasa 3.788 million metric tons mula Hulyo hanggang Setyembre, bumaba ito mula sa naunang pagtaya na 3.876 million metric tons.

Ayon sa PSA ang bagong pagtaya nito ay base sa standing crop noong Agosto 1 ng kasalukuyang taon.

Nasa 168,070 ektarya kasi o 18.1% ng standing crop ang naani na may palay output na 693.51 thousand metric tons.

Sa mga lugar na hindi pa nakapag-harvest, 14.75 ng palay ang nasa vegetative stage, 55.5% nasa reproductive stage at 29.85 ang nasa maturing stage.

Ayon pa sa PSA, ang mga lugar na nagtanim ng palay ay maaring bumaba ng 0.5% o sa 926, 950 ektarya subalit ang ani sa bawat ektarya ay inaasahang tataas ng 0.5% o 4.09 MT.