Bumaba ang produksiyon ng mga pananim at isda sa Pilipinas noong ikalawang quarter ng 2023.
Ayon sa data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang crop at fish outputs ay bumba ng 0.9% at 11.3%.
Mas mababa pa ito kumpara sa 17% na pagbabang naitala sa parehong period noong nakalipas na taon.
Ang volume ng crop production ay naitala sa 17.9 million metric tons, bumaba ito mula sa 18 million metric tons na naitala sa parehong period noong nakalipas na taon.
Ang taunang pagbaba sa crop production ay iniuugnay sa pagbaba sa output ng mais (0.8 percent), sugarcane (11.3 percent), rubber, cuplump (8.5 percent), at sweet potato (7.5 percent).
Nakapagtala naman ng 1.08 million metric tons na volume ng produksiyon ng isda, ito ay bumaba mula sa 1.2 million MT sa parehong period noong nakalipas na taon.
Paliwanag ng PSA na ang pagbaba ng produksiyon ay bunsod ng taunang pagbaba sa produksiyon ng skipjack o gulyasan an nasa 49.2%, bangus(19.1%), seaweed(4.9%) , tunsoy (42.2%) at yellowfin tuna o bariles (23.2%).
Sa livestock production, tumaas naman ng 0.6% kung saan ang hog production ang pangunahing nag-ambag sa mataas na produksiyon.