-- Advertisements --
bigas

Umaasa ang isang opisyal ng Department of Agriculture na aabot sa 20 milyong metriko tonelada ang magiging produklsyon ng Palay ngayong taon sa kabila ng El Niño phenomenon na kinakaharap ng ating bansa.

Ito ang magiging pinakamataas na produksyon ng Palay kung makakamit dahil na rin sa magandang kondisyon ng ani ngayong taon.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na kung ipagpalagay ang parehong production scenario, naniniwala pa rin ang kanilang ahensya na posibleng malagpasan ngayong taon ang produksyon ng Palay noon 2022 dahil sa mataas na ani ng Palay ngayong buwan.

Paliwanag ng opisyal, naging maayos ang kasalukuyang harvest season dahil na rin walang malakas na bagyo ang tumama sa bansa at pawang mga malalakas na pagulan at pest outbreaks sa ilang lugar lamang.

Sinabi rin nito sa mga kawani ng media na nagpapatuloy pa rin ang kanilang ginagawang assessment sa naging epekto ng Bagyong Egay sa sektor ng agrikultura partikular na sa bigas.

Naitala ng DA ang aabot sa P4.66 bilyo na pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa pinagsamang epekto ng Egay at Bagyong “Falcon”, na lumusaw naman sa P1.79 bilyong halaga ng bigas .

Ito ay katumbas ng 40% na kabuuang pagkalugi sa sektor ng agrikultura .

Upang ma maximize ang produksyon ng Palay, ang DA ay nakipag-ugnayan sa National Irrigation Administration para pag-aralan ang pagsasaayos ng panahon ng pagtatanim bilang bahagi ng “malaking reporma” sa sektor ng palay.

Umabot sa 9.03 MT ang output ng Palay noong unang semestre ng 2023, tumaas ng 3.4 porsiyento mula sa 8.7 milyong MT sa parehong panahon noong nakaraang taon, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Ang produksyon nito ng Enero hanggang Hunyo ay kumakatawan sa 45.7 porsyento ng 19.76 milyong MT ng output na naitala noong nakaraang taon.

Gayunpaman, ang produksyon noong nakaraang taon ay mas mababa kaysa sa record high na 19.96 milyong MT na natamo noong 2021.

Una nang sinabi ni Sebastian na ang inisyal na inaaning palay ay nagmula sa probinsya ng Isabela, Nueva Ecija at North Cotabato