Target umano ng Department of Trade and Industry (DTI) na makagawa ng nasa 20-milyong reusable at washable face masks sa loob ng dalawang buwan para maipamahagi nang libre sa publiko.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, magigng prayoridad para sa mga face masks ang mga “poorest of the poor” o ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Pero sinabi ni Lopez na sasailalim pa rin ang proyekto sa bidding sa Department of Budget and Management (DBM).
Una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DTI na i-consolidate ang mga maliliit na negosyo at mga community organizations para sa produksyon ng face masks.
Paglalahad pa ng kalihim, sisiguruhin nila na madi-distribute ang trabaho para mas maraming indibidwal ang magkakaroon ng pagkakakitaan.
Ang 3-latered face mask ay magkakaroon ng standard na sukat at disenyo.
Aprubado rin ng Department of Science and Technology-Philippine Textile Research Institute ang gagamiting tela para sa face mask.