-- Advertisements --
LAOAG CITY – Kinumpirma ni Mr. Ricardo “Mango King” Tolentino, pinuno ng Mango Growers Association Luzon na malaki ang ibinaba ng produksyon ng mangga sa Ilocos Norte dahil sa pagtama ng kurikong.
Aniya, noong nakaraang taon ay 35% lamang ang naapektuhan sa mga bunga ng manga pero ngayon taon ay 100% na .
Sinabi ni Tolentino na malaking halaga ang nawala sa kanila dahil maraming bunga ng manga ang nasira.
Maliban sa kurikong , sinabi ni Tolentino na isa pang nakaapekto sa mga pananim na manga ay dahil sa climate change.
Dahil dito, sinabi ni Tolentino na namomroblema ngayon ang mga magsasaka sa lalawigan kung paano sila makabawi mula sa pagkasira ng mga bunga ng kanilang pananim na mangga.