-- Advertisements --
image 318

Pinondohan ng Land Bank of the Philippines(LBP) ang isang Agricultural Cooperative sa South Cotabato na nakatutok sa pagpapataas ng produksyon ng pinya at fiber.

Sa inilabas na statement ng Landbank, kabuuang P224M ang inilaan nila sa T’Boli Farm Growers sa nasabing probinsya upang magamit ito bilang working capital sa produksyon at pagpapaganda ng kalidad ng kanilang mga produkto.

Inaasahan ng Landbank na makikinabang dito ang 991 na mga magsasaka at kabuuang 1,041 na ektarya ng lupain mula sa mga munisipalidad ng T’boli. Surallah, Lake Sebu, at Banga.

Target ng Landbank na sa pamamagitan ng nasabing tulong ay mapapataas ang export volume ng pinya mula sa Pilipinas papunta sa mga European Countries katulad ng United Kingdom at iba pa.

Bahagi rin ng ibinigay na pondo ay ang pagpapaganda ng kalidad ng Pineapple fiber na maaari ring ibente sa United Kingdom.