CENTRAL MINDANAO-Nagsimula ng gumawa ng rice-mongo curls and instant blend ang City Nutrition Council (CNC) para sa mga mag-aaral o maliliit na bata mula 2-8 years old sa Kidapawan City.
Ayon kay Melanie Espina, City Nutrition Action Officer, mahalaga na magkaroon ng wasto o sapat na nutrisyon ang mga batang kabilang sa nabanggit na age bracket upang maging maayos ang kanilang paglaki at manatiling malusog ang pangangatawan.
Rice at monggo seeds ang pangunahing sangkap ng produkto na highly recommended para sa mga bata dahil taglay nito ang kinakailangang nutrients tulad ng carbohydrates, protein, fats, vitamins and minerals at nagsisilbi ring antioxidant, ayon pa kay Espina.
Taglay din naman ng rice o bigas ang carbohydrates, protein, potassium, at magnesium na kailangan ng katawan ng tao, dagdag pa ni Espina.
Dumadaan naman sa ligtas na proseso ang paggawa ng rice-mongo curls tulad ng grinding, pulverizing, mixing, at packaging (30 g) gamit ang mga makinaryang tulad ng disc grinder, pulverizer, cereal puffing machine, forced draft dryer, octagonal mixer at digital top loading balance.
Matatandaang una ng gumawa ng masustansyang Rise Mo o Rice-Sesame-Monggo baby food blend ang CNC at DOTC para naman sa mga batang 6-35 months old.
Layon nito na mabigyan ng masustansyang pagkain ang mga batang maituturing na malnourish upang maging malusog at maayos ang pangangatawan.
Samantala, katuwang ng CNC ang Department of Science and Technology (DOST) sa produksyon ng rice-mongo curls kung saan sila itinuturo nito ang step-by-step na pamamaraan ng pagluto at tinitiyak din ang kalidad at kaligtasan ng produkto.
Katunayan, nagsasagawa ng 2-day Complementary Foods Technology Transfer ,Complementary Food Production Center, Kidapawan City ang DOST sa pangunguna nina Engr. Jayson G. Tagaroma, Science Research Specialist at Engr. Eugenio M. Ramirez, Specialist, DOST-Food Nutrition Research Institute.
Kasama sa aktibidad ang mga ilang mga personnel mula sa CNC, at Barangay Nutrition Scholars.
Matapos naman ang dalawang araw ay inaasahang makakapag-supply na ang CNC ng rice-mongo curls and instant blend sa iba’t-ibang mga pampubliko at maging pribadong paaralan sa lungsod.