-- Advertisements --
fuel oil price hike rollback

Good news para sa mga motorista dahil ngayong araw ang ikaapat na sunud-sunod na linggo na magkakaroon ng panibago nanamang tapyas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa abisong inilabas ng mga kumpanya ng langis sa bansa, mababawasan ng Php1.65 ang kada litro gasolina, habang nasa Php1.25 naman ang magiging tapyas sa kada litro ng diesel, at Php1.35 naman ang rollback sa kada litro ng kerosene.

Makikita sa datos ng Department of Energy na ang year-to-date net increase sa kada litro ng gasolina ay nasa Php16.50, habang nasa Php30.65 naman sa kada litro ng diesel, at Php25.45 sa kada litro ng kerosene.

Habang ayon naman sa record ng mga kinauukulan, mula noong Setyembre 6, 2022 ay umabot na sa Php8.40 ang naging rollback sa kada litro ng diesel, Php4.70 sa kada litro ng gasolina, at Php9.10 naman sa kada litro ng kerosene.