-- Advertisements --

Posible pang makaranas ng mas matinding taas presyo sa produktong petrolyo sa bagong round nito sa darating na linggo.

Ito ay matapos ang pag-arangkada ng kasalukuyang pinakamataas na dagdag-presyo sa langis ngayong linggo.

Batay kasi sa datos na nakalap ng mga kinuukulan, posible pang tumaas sa P12.72 ang kada litro ng diesel, habang tinataya namang aabot sa P8.28 ang itataas ng kada litro ng gasolina.

Ngunit ang naturang price adjustment ay depende pa rin sa magiging trading results sa susunod na apat na araw.

Ngayong linggo ipinatupad ang ika-sampung sunud-sunod na pagkakataong ikinisa ang big time oil price hike sa mga produktong petrolyo sa bansa.