-- Advertisements --
Hindi makakapagturo sa buong semester ang isang propesor mula Ateneo de Manila University dahil sa mga naglabasang alegasyon ng sexual harassment laban dito.
Ayon kay university student council President Quiel Quiwa, inaprubahan ng kanilang administrasyon ang no-contact order na inilabas laban sa propesor.
Una nang kinumpirma noong Biyernes ni Luther Aquino, university Philosophy professor at myembro rin ng Time’s Up Ateneo, na ipinatupad na ng unibersidad ang no-contact order at simula noon ay hindi na nagpakita sa kaniyang mga klase ang nasabing guro.
Sa ngayon, inaayos pa ng ibang mga propesor kung sino ang pansamantalang hahalili sa mga naiwang klase ng akusado.