Hawak ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang isang professional basketball player na naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos tangkaing pumask sa bansa gamit ang pekeng Philippine passport.
Sa isang statement, kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang basketbolistang si Avery Roberto Scharer na naaresto sa NAIA terminal 1.
Sumakay si Scharer sa Philippine Airlines flight mula Canada nang irpnisinta nito sa mga immigration officer sa arrival area ang kanyang American at Philippine passports.
Pero nahalata raw ng BI officer, ang major discrepancies at irregularities sa Philippine passport ng basketbolista kaya naman ay ini-refer ang kanyang travel document sa kanyang duty supervisor na siya namang nag-endorso sa forensic documents laboratory para sa examination.
Dito lumabas na peke ang gamit nitong pasaporte.
Agad namang isinuko si Scharer sa BI legal division para sa inquest proceedings dahil sa paglabag nito sa Philippine passport act at ang paggamit ng immigration document.
Mananatili muna siyang nakaditine sa detention center ng Bicutan, Taguig habang hinihintay ang resolusyon ng kanyang kaso.
Si Scharer ay naglaro sa ilang collegiate, amateur at professional basketball leagues sa US at Asia.
Noong 2015, naging fifth overall draft si Scharer sa Wang’s Basketball Couriers sa Philippine Basketball Association (PBA) D-League.