-- Advertisements --
Hindi na nagpapigil pa si dating six-division champion Oscar ‘Golden Boy’ de la Hoya sa muli nitong pagbabalik sa boxing matapos ang retirement nito.
Ayon sa 47-anyos na boksingero, na magsisimula na ang kaniyang sparring sa susunod na linggo.
Napamahal na sa kaniya ang boxing kung saan ito ang nagbigay ng lahat kung ano mayroon siya ngayon.
Hindi gaya aniya ng laban nina Mike Tyson at Roy Jones Jr na exhibition fight ay magiging professional fight ang laban nila.
Huling lumaban ang Mexican boxer ay noong 2008 ng talunin siya ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao sa pamamagitan ng technical knockout sa loob ng ikawalong round.