-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY— Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang profiling ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga rice retailers sa buong Rehiyon 12.

Ito ang kinumpirma ni Giovanni Man-on, Develoment Specialist ng DTI-GenSan itoy dahil sa kakulangan ng mga personnel kayat hindi pa nacover ang lahat ng lugar sa rehiyon sa ginagawang profiling.

Aniya, nakatulong sa monitoring at profiling ang listahan na nagmula City Permits and Licensing Office sa bawat LGU’s bilang counter validation sa mga lehitimong rice retailers.

Layunin nito para matiyak na ang mabibigyan ng ayuda ay mga lehitimong rice retailers.

Nilinaw ni Man-on na ang makaka-avail ng ayuda ang yaong mga rice retailers na may mga business permits at sinunod ang lahat ng probisyon ng Executive Order No. 39 o ipinatupad na price ceiling sa bigas na P41.00 hanggang P45.00 para sa regular milled rice at well milled rice.