Nominado ang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished), para sa prestihiyosong United Nations (UN) Sasakawa Award for Disaster Risk Reduction.
May tema itong Democratizing Access to Innovation and Technology for Disaster-Resilient Communities,” na kumikilala sa mga hakbang para mabawasan ang disaster risks at mapalakas ang resiliency ng mga komunidad.
Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao ng DSWD, resulta aniya ito ng “whole-of-nation collaboration” sa pagitan ng gobyerno, lokal na pamahalaan, mga community-based organizations, at mga benepisyaryo.
Simula ng ilunsad ang mga programang ito noong 2023, nakapagtayo ng 1,932 LAWA sites ang DSWD na nakatulong sa 7,234 ektarya ng agrikultura.
Na may kabuuang 4,317 BINHI gardening projects ang na produce na nakapagbigay sa 21 million kilo ng ani sa higit 876,200 katao.
Ang shortlist para sa ‘Sasakawa Award’ ay ilalabas sa Abril 30, habang ang mga mananalo ay i-aanunsyo sa Hunyo 5, 2025.