-- Advertisements --
Patuloy ang Department of Social Welfare and Development sa pagsusulong ng mga programa upang ganap na malabanan ang kahirapan.
Ayon sa ahensya, bilang tugon ay nakikipag-ugnayan rin sila sa iba pang mga ahensya ng gobyerno.
Ginawa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program official ang pahayag kasabay ng isinagawang Visioning and Convergence Planning Workshop sa lungsod ng Tagaytay.
Sa naturang event ay tinalakay ang mga pamamaraan at polisiya para mapatatag ang programa ng pamahalaan sa paglaban sa kahirapan kabilang na ang 4Ps program ng ahensya.
Naniniwala ang opisyal na mahalaga ang worksop na ito upang mapalaganap ang mga programa matapos rin na tuluyang maisabatas ang Republic Act No. 11310 o ang 4Ps Law noong 2019.