-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagtupad sa marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagbibigay ng mabilis na internet connection sa Pilipinas.

Sinabi ni DICT Secretary Gringo Honasan sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi, layunin ng hakbang ang connection na ligtas at libre sa bawat Pilipino sa bansa.

Nakatakda umanong ilatag ang programa na aabot maging sa mga kababayan sa liblib na lugar.

Target ng DICT ang fiber optics o mas mabilis pang uri ng kagamitan para sa internet connection.

Pagbubunyag pa ni Honasan na may ilang telecommunication companies nang lumapit at nag-volunteer na magbigay ng libreng broadband muna kasabay ng pangako ng kita sa hinaharap.

Ito rin aniya ang magsisilbing long-term commitment kung saan sa 200 mbps na wifi spots sa Bicol, itataas ito sa 1,000 mbps bago matapos ang taon.