Pinaiigting ng Commission on Population and Development (PopCom) ang mga programa para sa mga batang magulang kahit na bumaba ang teenage pregnancy.
Ang PopCom ay nakapagtala ng pagbaba ng bilang ng adolescent pregnancies sa taong 2020.
Sinabi ni PopCom executive director Juan Antonio Perez III, na sa kabila ng mga epekto ng pandemya patuloy sila na naglalaan ng lakas sa pagprotekta sa kapakanan ng mga kabataan.
Bumaba ang lahat ng rehiyon kung saan ang National Capital Region ang may pinakamataas na pagbaba sa 1,004, na sinundan ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) sa 842, at Zamboanga peninsula sa 646.
Dagdag pa ni Perez na ang pagtutok sa mga kabataang Pilipino sa panahon ng emerhensiya na pangkalusugan ay sumasalamin sa punto ng ahensya sa kalusugan at pag-unlad ng kabataan.
Ang mga batang babae na naging mga ina sa murang edad ay nabigyan ng sapat na tulong, kasama ang kanilang mga anak, sa pamamagitan ng pag-uugnay ng PopCom sa Department of Social Welfare and Development at ng “espesyal na programa sa proteksyon para sa mga adolescent mothers at kanilang mga anak.”