-- Advertisements --
Inopacan massacre
Inopacan, Leyte mass grave (photo credit to SamarNews.com)

TACLOBAN CITY – Kinansela na ang nakatakdang pagnilay sa anibersaryo ng Inopacan massacre dahil sa masamang lagay panahon.

Ayon kay Lt. Col. Roberto Obaob, commanding officer ng 78th Infantry Battalion, dahil dito kinansela ang taunang pagsasagawa ng programa para sa naturang anibersaryo.

Dagdag pa nito, bunsdo nang malakas na ulan ay hindi kaya ng mga kasundaluhan na sunduin at ihatid ang mga pamilya ng mga biktima ng Inopacan massacre na nangyari noong 1980s.

Napag-alaman na nangggaling sa mga kalapit na lugar ng Inopacan ang mga biktima ng naturang massacre.

Maaalala na aabot sa 100 na mga biktima ng Inopacan massacre ang walang awang pinatay umano ng New People’s Army (NPA) dahil kanila itong pinagdududahan na espiya ng mga kasundaluhan.