Inilunsad ni Pope Francis ang isang plataporma para maalagaan ang kapaligiran.
Tinawag ito na Laudato Si Action Platform kung saan mula ang pangalan sa 2015 encyclical para sa sa pagprotekta sa kapaligiran, paglaban sa global warming at ilayo ang mga mahihirap sa epekto ng climate change.
Sinabi ni Cardinal Peter Turkson ang namumuno sa development office ng Vatican, na isa itong ipapakilala ng Santo Papa sa pagdalo nito sa Unite Nation’s Climate Change Conference (COP26) sa buwan ng Nobyembre na gaganapin sa Glasgow, Scotland.
Ayon naman sa Santo Papa na layon nito na sa loob ng pitong taon ay makikita na ng komunidad ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tinatawag aniya na “Spirit of integral ecology”.
Pinuna din nito ang pagkakaroon ng maling kaugalian ng isang tao na siyang lubos na sumisira sa kaisipan at maging sa kalikasan.
Nakatuon aniya ito sa mga grupo kabilang ang pamilya, mga parishes at diocese, schools and universities, hospitals at ilang mga health care facilities, negosyo, lay Catholic organizations at mga orders of priest and nuns.
Tutulungan aniya ng Vatican Development office ang mga grupo.