CENTRAL MINDANAO-Inanunsyo ni Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr na nakatakda ngayong Enero 17, 2020 ang pagpapasada ng programang ‘Unlad Caravan’.
Aniya, isasagawa ito sa Brgy. Malanduague na bayan.
Kalakip ng nasabing aktibidad ang pagdadala at pag-aabot ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaan katuwang ang mga ahensya ng gobyerno.
Dagdag pa ng alkalde, maliban sa mga regular programs ng LGU, tulad na lamang ng medical services, dadalhin ng lokal na pamahalaan ang mga equipment ng LGU upang maayos ang mga daan at drainage sa nasabing lugar.
Nakatakda ring pulungin ng alkalde ang mga Brgy. Officials kasama ang mga Purok Officials ng bawat lugar na papasadahan ng Unlad Caravan. Ito aniya ay upang malaman mula sa mga lider ng mga lugar kung ano ang problema at upang mabigyang solusyon.
Samantala, naghahanda na ngayon ang lokal na pamahalaan para sa unang pasada ng nasabing programa.
Siniguro din ng lokal na pamahalaan na ito’y magpapatuloy at susuyurin ang lahat ng barangay sa bayan.