Naglunsad ng kilos-protesta ang progresibong grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa harapan ng Chinese Consulate ngayong araw kasabay ng paggunita ng Araw ng Kagitingan para maging simbolo ng commitment ng mga Pilipino para tutulan ang mga foreign aggressor.
Sa naturang aktibidad, mariing tinutulan ng grupo ang paulit-ulit na pangha-harass ng China sa mga Pilipino sa West Philippine Sea kasabay ng paghimok sa mga bansa kabilang ang PH na hindi dapat ito humantong sa militarisasyon sa pinag-aagawang karagatan.
Nagbabala rin ang grupo laban sa PH na nakakaladkad sa tunggalian sa pagitan ng US at China.
Ayon sa grupo dapat lisanin ng mga pwersa na pinangungunahan ng China at US ang Pilipinas at itigil ang paggamit sa ating bansa para gatungan ang imperialistic conflicts sa rehiyon.
Nanawagan din ang grupo sa China na lisanin ang WPS, lansagin ang mga iligal na ipinatayong struktura, kilalanin ang 2016 arbitral ruling at itigil ang pangha-harass sa mangingisdang Pilipino at resupply mission ng PH sa Ayungin shoal.
Pinuna din ng grupo ang pagpayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa US na muling magtayo ng military bases sa PH o Enhanced Deefense Cooperation Agreements (EDCA) sites kung saan maaaring magtayo ang US ng pasilidad, mag-preposition ng mga equipment, mga suplay, materyales at magdeploy ng pwersa.