Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos jr. na kanyang ilalahad sa taong bayan ang usad ng mga proyekto ng kanyang administrasyon, ano ang mga natapos at gaano pa ang itatagal ng mga ginagawang proyekto sa darating na July 22,2024.
Kasama sa State of the Nation ang estado ng buhay ng ating mga kababayan, antas Ng ekonomiya, hakbang ng pamahalaan kontra kriminalidad at ang pagtugon sa iba lang social problems.
Kasama din ang ibat ibang banta na kinakaharap at iba pang mga isyu sa kasalukuyan.
Sabi ng Pangulo pipilitin aniya nila mapagkasya hanggat maaari sa isang oras ang gagaawing paguulat sa bayan.
Hindi naman binanggit ng Pangulong Marcos ang kaniyang magiging attire.
Sinabi ng President na mahalaga na maiulat niya ang mga naging accomplishments ng kaniyang administrasyon.