Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na posibleng pag-uusapan ng tatlong matataas na lider ng Pilipinas, Japan at Amerika sa linggo ay ang progreso sa PH-Japan-US trilateral cooperation.
Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ng Malakanyang na magkakatoon ng virtual trilateral phonecall meeting sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr, outgoing US President Joe Biden at Japan Prime Minister Ishiba Shigeru.
Ayon kay DFA spokesperson ambassador Maria Teresita Daza na inaasahang tatalakayin ng tatlong lider ang progreso sa PH-JP-US Trilateral Cooperation na unang naisara noong April 11, 2024 sa Washington D.C. at ang taunang balikatan exercises.
Sinabi ni Daza, bahagi rin ng magiging paksa ang isyu sa ekonomiya, infrastructure gayundin ng regional at global developments.
Dagdag pa ni Daza, walang joint statement na ipalalabas bagkus ay kani kaniyang isyu ng press release ang tatlong bansa pagkatapos makapag usap ng tatlong lider.
Ang virtual trilateral phone call meeting ay nakatakda sa linggo January 12,2025.