Sisikapin umano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapusin ang lahat ng infrastructure projects ng gobyerno bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Ito ang sinabi ni DPWH Sec. Mark Villar matapos aminin na nangangalahati na ang ahensya sa lahat ng inilatag na infrastructure projects ng administrasyon sa ilalim ng Build, Build, Build program.
Aabot sa 20,000 proyekto umano ang hawak ng kagawaran bawat taon.
“We hope that most projects would be fully completed but of course there might be some that are not completely finished. But we’ll do our best to finish as much as we can before the end of the term of the president,” ani Villar.
Nilinaw naman ng kalihim na walang dapa ikabahala ang publiko sa mga proyektong pinondohan ng China dahil patas umano ang kanilang mga napagkasunduan.
Bukod sa Beijing, nagpondo rin ang estado ng Japan, South Korea, United Kingdom at Estados Unidos sa mga proyektong imprastuktura ng bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng official development assistance.
Nitong linggo nang buksan ng DPWH sa bahagi ng Skyway Stage 3 extension mula Makati patungong Maynila.
Binuksan na rin ng isang private firm ang segment ng C5 South Link Expressway project mula Taguig patungong Paranaque City.